Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito angkuwentong-bayan,Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain,kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula. Pag-uuring pampanitikan
Mga paraan ng pag-uuri: May dalawang ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sa paghahalin at ang ayon sa kaanyuan o anyo.
Ayon sa paghahalin: May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahalin. Ito ang pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.
Pasalindila: Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.
Pasalinsulat:Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito.
Pasalintroniko: Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter.
Ayon sa anyo: Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.
Patula: Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga ito: Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga sa buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kurido, at angbalad. May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda. May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama. May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.
Patuluyan: Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong. Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay, at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat,mulamat o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.
Patanghal: Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa moro-moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.